SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Thursday, February 7, 2008

SAM MILBY Umamin sa Naging Relasyon Nila ni TONI at ANNE

Inamin ni Sam Milby na pareho niyang naka-M.U. (mutual understanding) sina Toni Gonzaga at Anne Curtis. Tatlong buwan umano umabot ang kanilang M.U. noon.

Ang career nila ni Toni ang itinuturo nya'ng dahilan kung bakit hindi umabot sa totohanang relasyon ang M.U. nila. Natakot daw sila na baka magkaroon ng nega­tibong epekto `yon sa kanilang trabaho. Bukod pa sa mas­yado raw silang busy nung mga time na `yon.

Inamin din ni Sam na ang parents ni Toni ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang relasyon nila. Kasi raw, hindi raw siya marunong manligaw ng Pinoy style, at baka hindi `yon magustuhan ng parents ni Toni.

Anyway, sa ngayon ay aminado si Sam na mas seryoso siya sa nararamdaman niya kay Anne. Desidido raw siyang ligawan muli si Anne, matapos nilang mag-break.

Isang buwan na raw niyang nililigawan si Anne. At nakakatuwa si Sam, dahil ibinabase niya sa librong �Boy Meets Girl� ang style ng panliligaw niya kay Anne.

Ayaw raw kasi niyang magkamali sa panliligaw kay Anne ngayon, kaya step by step ay sinusunod niya ang nakalagay sa libro.

Sabi pa ni Anne, marami na silang pi­nagdaanan ni Anne, at ngayon niya naramdaman nang husto na si Anne na talaga ang tamang babae para sa kanya.

Ang pagiging busy raw niya ang dahilan kung bakit hindi natuloy sa seryosong usapan ang kanilang relas­yon.

At gustong baguhin ni Sam `yon ngayon, kaya umaasa siya na sasagutin siya ni Anne, para maipadama niya rito na mahal na mahal niya ito.

Well, bagamat magkasama sina Sam at Toni sa My Big Love, lu­malabas na malabo na talaga silang magkatuluyan pa. Pare-pareho nga silang may kanya-kanyang mahal, si Anne kay Sam, at si direk Paul Soriano kay Toni.

Sabi nga ni Sam, wala siyang pagsisisi kung hindi natuloy ang relas­yon nila ni Toni, dahil nakikita niya na masaya ito ngayon kay direk Paul.

Anyway, showing na sa February 27 ang My Big Love movie nila ni Toni kasama si Kristine Hermosa. Sa direksyon ni Jade Castro para sa Star Cinema.

Source: Rey Pumaloy

No comments:

Post a Comment