SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Sunday, March 16, 2008

KIM, Humarap sa Cobra

Walang daang hin­di tatahakin. Walang bagay na hindi aalamin. Walang hayop na hindi kikilalanin.Mapagmatyag, mapanuri at mapangahas na paglalakbay patungo sa mundo ng kaalaman.... ang hatid ng Matanglawin ni Kim Atienza simula ngayong Lunes nang gabi, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

Samahan si Kuya Kim sa kanyang pagtuklas ng mga impormasyon, pagbusisi sa mga alamat, at pagsiwalat sa mga misteryosong bumabalot sa ating kapaligiran. �Sakop nito ang halos lahat ng uri ng kaalaman at hindi lamang limitado sa mga hayop. Para siyang Knowledge Po­wer ni Ka Ernie Baron noon pero mas dynamic at mas maaksyon,� paliwanag ni Executive Producer Margie Natividad.

Maraming aksyon at pagsubok ang susuungin ni Kuya Kim sa kanyang misyong palawakin ang saklaw ng isipan. �Tumalon ako rito sa gilid ng mga bundok, nagbisikleta ako, nag-dive ako at naghanap ng susong nakamamatay sa ilalim ng dagat, humarap sa cobra. Talagang exciting at adventurous ang bawat episode ng Matanglawin,� sabi ni Kim.

No comments:

Post a Comment