SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Monday, September 22, 2008

GMA Films Denies Sending Text Message About First-Day Gross of "I.T.A.L.Y."

Pinabulaanan ng GMA Films ang lumabas na balita tungkol sa isang text message na galing daw mismo sa presidente ng film company na si Ms. Annette Gozon-Abrogar tungkol sa first-day gross ng pelikulang I.T.A.L.Y (I Trust And Love You).

Ayon sa ulat, nakalagay raw sa kumakalat na text message mula kay Ms. Annette na naka-P17 million diumano ang pelikula na tinatampukan nina Jolina Magdangal, Dennis Trillo, Eugene Domingo, Mark Herras, Rhian Ramos, at Rufa Mae Quinto; at na-surprass pa nga raw nito ang kinita ng Star Cinema movie na A Very Special Love.

Ayon sa GMA Films hindi kailanman nagti-text si Ms. Annette directly sa mga manunulat. Dumadaan ang lahat ng official statements ng GMA Films President sa dalawang top men ng film arm ng Kapuso network na sina Joey Abacan at Noel Ferrer. Walang ipinadalang ganitong text message either si Joey o si Noel.

Hindi rin daw naging ugali ng GMA Films na maglabas ng first-day gross. Ang mga pinakahuling pelikula nito na My Best Friend's Girlfriend at My Monster Mom, halos one week bago inilabas ang official box-office results.

Ayon sa GMA Films, maayos ang naging box-office gross ng I.T.A.L.Y. Hindi ito ang magiging pinakamalakas na pelikula ng GMA Films ngunit hindi ito ituturing ng kumpanya na isang flop. Maganda rin daw ang word of mouth ng pelikula kung kaya't magtatagal pa ito ng ilang linggo sa sinehan.

Source: PEP

No comments:

Post a Comment