SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Saturday, October 18, 2008

Alfie Lorenzo: "Hindi naman ako pulubi nang madampot ni Juday. Siya ang pulubi nang madampot ko."

Nagpa-interview na ang talent manager at entertainment columnist na si Alfie Lorenzo sa Startalk na ipinalabas kahapon, October 18. Ito ay kaugnay sa isyu ng hindi nila pag-uusap at pagkakasundo ng alaga niya for 20 years na si Judy Ann Santos.


May kaugnayan ito sa hindi pa pagre-renew at pagpirma ni Judy Ann ng kontrata sa ABS-CBN. Kailangan pa raw kasi ng aktres na ikonsulta sa kanyang lawyer ang naturang kontrata. Isang bagay, na ayon kay Alfie, ay hindi naman naganap sa mahabang taon ng pagiging talent-manager nila.

"Naiinis lang kasi after 20 years, ngayon lang siya nagkonsulta sa abogado," himutok ni Alfie. "E, naaalala ko nga, that time na mag-asawa siya at mabuntis siya, wala na siyang offer, wala na siyang trabaho. Inaalagaan ko lang ang future nila. The same way na bata pa lang �yan, inaalagaan ko na, hanggang sa pag-aasawa. Siyempre, wala naman akong tutol sa kanila ni Ryan and, in fact, I appreciate Ryan's gesture na hindi naman siya nakikialam sa career ni Juday."

Ayon kay Alfie, nakakuha naman daw siya ng better deal sa mother studio ni Juday by drawing a contract deal until 2011. Kasama rin daw na mabibiyayaan sa bagong kontrata ni Judy Ann si Ryan.

"May guarantee siya na kung mag-aaaral nga siya [Judy Ann] sa States ng Culinary Arts, may allowance siya. Kung halimbawa magtanan siya, magpakasal, mabuntis siya, may allowance siya. So I signed it at sabi ko, papirmahan n'yo na kay Juday.

"The whole day of Wednesday [October 8], wala siyang gagawin noon, victory party ng Kulam. After that, siguro mga two o' clock or three �o clock, puwede na siyang tumawid sa ABS, di ba? E, tumawag sa akin ang executive ng Dos na humihingi nga raw ng kopya [si Juday]. So, ni-meet nila si Juday. Sabi, �Bigyan n'yo ako ng kopya at ipakikita ko sa abogado ko,'" lahad ni Alfie.

Sa pagkakataong ito ay hindi na napigilan ni Alfie na ipaalala kay Juday ang kanyang pinagmulan. Maging ang mga hirap daw niya sa struggling years ni Juday ay nabanggit din ni Alfie.

"Wala pa naman si Judy Ann, nagsusugal na ako. Hindi naman ako pulubi nang madampot ni Juday. Siya ang pulubi nang madampot ko. Ngayon, she's a billionaire! Alalahanin na lang ni Juday yung 20 years na nakapila pa sila sa Cubao, na nagdyi-jeep lang. Hanggang sa naihanap ko sila ng apartment na ako pa rin minsan ang nag-aabono. Yung first van niya, ako pa rin ang nag-down no'n," pahayag ng talent manager.

Dagdag niya, hindi naman daw kabawasan sa kanya bilang talent manager kung mamuhay na nang tahimik si Juday sa piling ni Ryan. Nasabi na nga lang nito, "Well, I hope they become the first couple that will not separate in showbiz. Good luck!"

Dugtong pa niya, "Okay lang naman sa akin. Hindi naman ako na-devastate noong lahat sila... Nag-asawa si Sheryl Cruz, nag-asawa si Jackie Forster, nag-asawa si Ruffa Gutierrez, nag-asawa si Sunshine Cruz, okey lang yun, di ba? Marami pa namang matutuklasang talents. Stars come and go.

"Talagang ang mga artistang babae kapag..." biglang na-bleep ang word ni Alfie. "Wala na...nawawala sila sa katinuan nila. Bahala na siya kung gusto pa niya ako or ang attorney niya."

Sa bandang huli, umaasa pa rin naman si Alfie na magkakaayos din sila ni Juday.

"Maaayos din naman yun... Dyusko!" sambit niya.

Nakausap din ng Startalk si Judy Ann at nagalit daw ito nang malaman ang isyu. Hindi naman daw sila nag-aaway ng kanyang manager. Nais muna ni Juday na magkausap sila para malinaw ang isyu. Ang hiling lang niya, sana raw ang ang pag-uusap nila ay maging pribado at huwag nang lumabas pa.

Source: Rose Garcia, PEP

No comments:

Post a Comment