SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Wednesday, April 7, 2010

Gretchen Barretto Returns to MMK this Saturday, April 10

Muling magbabalik sa telebisyon ang 2009 Star Awards Best Actress na si Gretchen Barretto sa longest running drama anthology sa Philippine TV, ang Maalaala Mo Kaya (MMK).

Ayon kay Gretchen, binigyan siya ng MMK ng pagkakataon na muling maipamalas ang kanyang galing bilang aktres. "Hanggang ngayon, I am very thankful to MMK as the show gave me an opportunity to show what I got," pahayag ni La Greta.


Ngayong Sabado, bibigyang buhay ni Gretchen ang isa na namang kontrobersyal na karakter-- si Maria, isang byuda na umibig sa isang bagong-lipat na parochial priest na gagampanan ni Jomari Yllana. Ang kanilang kakaibang pag-iibigan ay hahantong sa masalimuot na pagsasama. �Di man sang-ayon ang mga tao sa kanilang relasyon, ipaglalaban pa rin ni Maria ang kanyang pagmamahal sa asawa at sa kanyang mga anak. Dumanas si Maria ng matinding panghuhusga ng kanilang komunidad.

Makayanan kaya ni Maria ang matinding pangungutya ng mga tao? Sapat na kaya ang pag-ibig upang malagpasan niya ang lahat ng pagsubok?

Humanda na sa muling pagpapakitang-gilas ni La Greta sa isa na namang mapanghamong papel sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, pagkatapos ng Pilipinas got Talent sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment