SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Wednesday, April 21, 2010

Kris Aquino, Josh Salvador, Baby James, Sharon Cuneta and Miel Pangilinan Cover Star Studio Magazine May 2010 Issue

Sabay ng pagdiriwang ng "Mothers Day," dalawa sa pinakasikat na celebrity moms ang tampok ng Star Studio Magazine May issue.


Sa isang exclusive feature, ibabahagi nina Megastar Sharon Cuneta at Queen of all Media Kris Aquino ang kanilang secrets kung papaano nila nakakayang maging hand-on moms habang aktibo sa kani-kanilang showbiz careers. Pagdating sa bahay, 'pa-star' pa rin kaya sila o strict nanay na?

Isa pang super sikat na showbiz mom na tampok sa Star Studio Magazine ay si Nora Aunor. Kilalanin ang Superstar sa pamamagitan ng mga kwento ng kanyang mga anak na sina Lotlot, Matet at Ian de leon.

Bukod sa mga mommies, may kids at teens din sa Star Studio Magazine! Nariyan ang folio ng ilan sa mga pinaka-cute na bulilit TV stars na sina Zaijian �Santino� Jaranilla, Xyriel Anne aka �Agua Bendita�, Buboy Villar, Bugoy Carino, at ChaCha Canete. Mayroon ding updates tungkol kina John Lloyd Cruz, Anne Curtis, Piolo Pascual, Jake Roxas, Bea Alonzo, Jericho Rosales, Sam Milby, Ruffa Gutierrez, at Gerald Anderson.

Bukod sa mga artikulo, may 50 letrato ding inihanda para sa mga fans kabilang na ang snapshots mula sa summer episode ng ASAP XV sa Boracay.

No comments:

Post a Comment