SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Friday, April 9, 2010

ShowbizNest Express (SNE): Kris Aquino Walks-out of KTM Taping; Wanted to Transfer to Kapuso Network?

Sila na nga! After the much publicized Hong-Kong sightings na diumano'y sweet na sweet sila at nag-checkin lang sa iisang room ng hotel, umamin na finally na exclusively dating sila Dennis trillo and Jennylyn Mercado during the GMA-7 trade show last night at the SMX Mall of Asia. Dennis described Jen as his "inspirasyon" while Jen said her leading man is "special."

***

Wala ng makakapigil sa bagong Wowowee. Bukas, April 10, apat ang bagong hosts na madadagdag sa show: isang commercial model, isang dating young actress, isang foreign actress, at isang newcomer na na-discover ni Willie Revillame.

***

Naku, dahil daw sa paulit-ulit na pagpapalabas ng ABS-CBN sa video footage na kung saan ay binanggit ng cute na cute na si Baby James ang pangalan ni Villar o "Vilyay" sa kampanya ni Noynoy sa Bacolod, habang karga-karga ito ni Kris Aquino, nag-walk out daw ito sa taping ng kanyang soap opera na Kung Tayo'y Magkakalayo last Wednesday. Galit na galit daw na iniwan ni Kris ang studio at hindi na tinapos ang taping.

And worst, nagbabalak na raw si Kris na layasan ang Dos? Tsika na may tinawagan na si Kris na isang tao na puwedeng maging tulay para makabalik siya sa Siyete, at sinabi nga raw ni Kris sa taong `yon na "Ibalik mo na ako sa GMA!" If that is true, magiging shocking showbiz news ito at isang malaking kawalan sa Kapamilya network. But in fairness, blessing din sa Kapamilya network ito na binansagang "Noynoy Network". At least napatunayan nilang wala rin silang kinikilingan, pinoprotektahan, walang kasinungalingan...public service lang.


***

Base sa overnight TV ratings last Wednesday, April 7, tinalo ng Kapatid show na "Face to Face" ang "Diz is It" ng Kapuso network. Pero steady lang in the lead ang "Showtime" ng Kapamilya.

Image courtesy of PinoyParazzi

No comments:

Post a Comment