SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Thursday, June 17, 2010

Blind Item #7: Bye, Bye Girl, Hello Boy?

Hula-Hula #7: Ano naman kaya ang naisip ng prinsipeng ito at sa kabila ng mga swerteng dumadating sa career nya eh may balak pa rin yatang lumipat ng ibang bakuran. Not necessarily TV station but talent manager na nag-buwis ng dugo at pawis para i-transform sya from CWL (construction worker look) to a prince that he is now.

Minsan daw kse ay nakitang nakikipag-dinner itong si prinsipe sa isang talent manager-host ng kalabang TV station. Kung anuman daw ang reason ay 'di naman affected ang kanyang home studio dahil alam daw nilang kaibigan na ng aktor ang talent manager-host na ito bago pa man sya nakilala sa showbiz bukod pa sa may existing exclusive contract nga itong si aktor sa kanila. Pero knowing showbiz, 'di ka rin nakakasigurado sa galaw ng mga talent mo.

Ayon naman kay aktor, sinamahan lang naman daw nya ang common friend nila na tumulong sa candidacy ng kapatid ng talent manager-host sa kanilang probinsya last May election. At dahil nga nanalo si Kapatid, nag-treat daw ang talent manager-host.

Hus Dis Pls? Naku! At dahil kilala itong prinsipe na ito (na nag-level up na sa pagiging hari) sa pagde-deny. 'di na nakakagulat kung one of these days eh nasa ibang kandunga na nga sya. Yun na!

No comments:

Post a Comment