SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Monday, July 19, 2010

Dominic Almelor Faces Underground Monsters on "The Correspondents"

Sa magkakatabing probinsya ng Bataan, Batangas at Cavite, gabi-gabing nangangamba ang mga residente sa pagsalakay ng mga binansagan nilang halimaw�mga uod na libo-libo kung sumalakay para sirain ang pananim ng mga residente.

Sa Bataan, siyam na bayan na ang lubhang apektado samantalang dalawampu�t walong barangay naman sa Batangas ang naiwang balot pa din sa takot dahil sa labis na pinsala at perwisyong iniwan sa kanila ng mga halimaw na uod.

Ngayong darating na Martes (Hulyo 20), magmamatyag si Dominic Almelor sa mga taniman sa mga probinsya ng Bataan at Batangas para manmanan ang bawat galaw ng mga naturang halimaw na ito.

Matulungan kaya niya ang mga residente sa paghahanap ng solusyon sa kanilang problema? Makahanap pa kaya ang mga residente ng panangga laban sa mga salot na ito?

Abangan ang sagot sa darating na Martes (Hulyo 20) sa the "The Correspondents," pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment